Kaso ng COVID-19 sa BuCor, pumalo na sa 301

Mayroon nang 301 na preso at tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nagpositibo sa COVID-19.

141 rito ay mula sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, 82 ay mula sa Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City at 78 ay mga BuCor personnel.

Nakapagtala na rin ang BuCor ng 16 na nasawing preso dahil sa COVID-19.


Facebook Comments