Sugatan ang mag-asawa matapos mabangga at makaladkad ng tricycle habang tumatawid sa kahabaan ng national road sa Brgy. Palacpalac, Pozorrubio, Pangasinan.
Kinilala ang mga biktima na 75-anyos na lalaki at 62-anyos na babae, kapwa residente ng nasabing barangay.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nabangga ng tricycle ang mag-asawa at nakaladkad ng ilang metro bago huminto ang sasakyan.
Agad namang isinugod sa pagamutan ang dalawang biktima na kasalukuyang nagpapagaling.
Nasa kustodiya na ng Pozorrubio Municipal Police Station ang tricycle para sa tamang disposisyon.
Facebook Comments










