Mag-asawang Abalos, pormal nang dumulog sa NBI para paimbestigahan ang tinaguriang “vaccine slot for sale”

55

Pormal nang dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mag-asawang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos at Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos para paimbestigahan ang tinaguriang “vaccine slot for sale” sa Mandaluyong City at San Juan City.

Nakapulong mismo ng mag-asawang abalos si NBI Officer-in-Charge Director Eric Distor.


Ani Abalos, nangako si Distor na gagamitin ang lahat ng kanilang kakayahan upang mapanagot ang nasa likod ng “vaccine slot for sale.”

Sampung agents aniya ang pakikilusin ng NBI.

Dagdag ni Abalos na mayroon na silang “lead” sa kaso pero ipauubaya nila ito sa NBI at Philippine National Police (PNP).

Facebook Comments