Isang grupo ng mga doktor, nag-volunteer sa vaccination program ng Malabon

Tutulong na rin ang Malabon-Navotas Medical Society para magbigay ng karagdagang doktor sa apat na mga vaccination site ng lungsod ng Malabon.

Ikinalugod naman ng Malabon Local Government Unit (LGU) ang gagawing pagtulong ng nasabing grupo sa vaccination program ng lungsod.

Nauna na ring tumulong ang Malabon-Navotas Medical Society sa pagsasagawa ng mass testing sa lungsod ng Navotas at Malabon sa mga testing areas ng mga lungsod.


Tutulong ang mga doktor sa iba pang health frontliners upang tugunan ang dumaraming bilang ng mga residente na nais na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon sa Malabon-Navotas Medical Society, kailangan mabakunahan ang nasa 280,000 na mga Malabonians upang maabot ang 70% herd immunity sa lungsod.

Facebook Comments