Mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, tumanggap ng pagkilala mula sa ibat-ibang organisasyon at personalidad

Manila, Philippines – Tumanggap ng pagkilala ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera mula sa ibat-ibang organisasyon at personalidad sa City of Carson sa California.

Ayon sa mag-asawa, very thankful sila sa natanggap na recognition.

Sabi pa ni Marian, masaya sila dahil nakakaabot sa Amerika ang kanilang mga ginagawa.


Umaasa naman si Dingdong, na napasaya nila ang Filipino community na dumalo sa kanilang meet and greet at sa isang special dinner para sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan.

Bumisita rin sila sa Philippine consulate sa Los Angeles at mainit na sinalubong ng iba pang pinoy sa konsulado.
Photo from: niceprintphoto
DZXL558

Facebook Comments