Mag-asawang Discaya, bumitaw na sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI

Kinumpirma ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na bumitaw na ang mag-asawang Curlee at Sarah Discaya sa pakikipagtulungan sa imbestigasyon ng ICI kaugnay ng maanomalyang flood control projects.

Ayon kay ICI Executive Director Atty. Brian Keith Hosaka, nadismaya ang mag-asawang Discaya nang mawalan ito ng pag-asa na maging state witness.

Ito ay matapos ang pahayag ni ICI Commissioner Rogelio Singson na wala siyang nakikitang maaaring irekomenda bilang state witness.

Sa kabila nito, tiniyak ni Hosaka na hindi ito makakaapekto sa bilis ng takbo ng imbestigasyon ng Komisyon.

Ito ay lalo na’t marami naman aniya silang resources person na nagsumite ng mga dokumento na maaaring pagbasehan ng ICI sa pagbaba ng desisyon.

Sa pag-alis kanina ng mag-asawang Discaya, tumanggi naman na magbigay ng pahayag sa media ang abogado nitong si Atty. Cornelio Samaniego.

Facebook Comments