Mag-asawang drug personalities, pinasok ng mga armadong kalalakihan at pinagbabaril patay sa San Juan City

213

Manila, Philippines – Patay agad ang mag-asawang drugpersonalities matapos na pasukin ng hindi bababa ng sampung kalalakihan saBrgy. Progreso San Juan City.
  Kinilala ang mga biktima na sina Nicholas Evan Pinili at Mercedes Pinili kapwa 50 anyos,residente  ng 1 Dr. B, Brgy. Progreso,San Juan City.
  Ayon sa imbestigasyon ng pulisya , tinatayang nasasampung riding in tandem ang pumarada sa tapat ng bahay ng mag-asawa atsapilitang pasukin ng mga suspek.
  Napag-alaman na una umanong tinutukan ng baril ang anakng mag-asawa na sinundan ng isang warning shot. dito na umano lumutang sinaEvan at Mercedes na agad pinagbabaril ng mga hindi nakilalang suspek na pawangnakahelmet.
  Mabilis na tumakas ang mga naturang suspek habang iniwangnakahandusay at wala ng buhay ang mag-asawang Pinili.
  Narekober sa pinangyarihan ng krimen  ang isang sachet ng hinihinalang shabu nanakuha mula sa bulsa ni Evan Pinili at ilang basyo ng bala mula sa hindi pamalamang kalibre ng baril.
  Napag-alaman ng San Juan PNP na dati na umanong sumuko saOplan Tokhang ang mag asawa ngunit patuloy parin sa pagtutulak ng ilegal nadroga.

Facebook Comments