Suspek sa pamamaril sa isang brgy. tanod, pinaghahanap ng QCPD sa Novaliches QC

78

Manila, Philippines – Pinaghahanap  pa rin ng pulisya ang lalaking suspek napamamaril sa Patrol car ng Brgy. Novaliches na ikinasugat ng isang tanod saGintong Ibon street Novaliches Quezon City.
  Sakay ng Barangay Patrol vehicle ang mga tauhan ng PoliceCommunity Precinct 2 ng QCPD Station 4 at mga tanod nang sila ay paputukan ngsuspek na kinilala lamang sa alias na ‘Mark Loy’.
  Duguang isinugod sa Quezon City General Hospital angtanod na si Arlando Nuque na nagtamo ng tama ng bala sa kanyang paa.
  Nagkaroon ng tensyon sa komunidad matapos na suyurin ngmalaking bilang ng mga pulis ang lugar pero hindi na natagpuan pa ang armadongsuspek.
  Ayon kay Sr. Inspector Cyril Dagusin ng QCPD PCP 2magkatuwang na nagsasagawa ng Anti-Criminality Operation ang mga pulis at  Barangay sa lugar nang masalubong at bigla nalang magpaputok si alias Mark Loy na armado ng baril at granada.

Facebook Comments