Mag-asawang Guro, Huli sa Kasong Estafa!

1436

San Manuel, Isabela- Arestado ang dalawang mag-asawang guro na may kasong Estafa matapos na silbihan ng warrant of arrest ganap na alas 3:00 ngayong hapon sa Brgy. District 4, San Manuel, Isabela.

Kinilala ang dalawang akusado na sina Diego Acupido, 49 anyos, at asawa na si Sonia Acupido, 47 y/o, parehong guro sa Elementarya at kapwa residente ng nabanggit na lugar.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), hinuli ang mag-asawa sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni hukom Ramorelia P. Lodriguito- Caranay ng 13th MCTC San Manuel-Aurora, Isabela dahil sa kanilang kasong Estafa.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP San Manuel ang mag-asawa at sila’y pansamantalang makakalaya kung makakapagpiyansa ng halagang tig-animnapung libong piso (P60,000.00).

Facebook Comments

From Advertisers