Mag-asawang illegal recruiter, arestado sa Bulacan

Bulacan – Arestado ang umano’y illegal recruiter na mag-asawa sa Barangay Loma De Gato sa Bulacan.

Napag-alaman na ang modus ng mga suspek na sina Jeffrey at Luz Quiambao ay hihingan nila ng malaking halaga ng pera ang mga kadalasan nilang binibiktima sa mga probinsya ng Ilocos at Pangasinan.

Ito raw ay para mapabilis ang pagkuha ng visa papuntang Japan kung saan sila inaalok na magtrabaho.


Pero nadiskubreng wala palang lisensya ang mga ito mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA).

Hinimok naman ng mga awtoridad ang iba pang nabiktima nina Quiambao na lumutang at magsampa ng kaso laban sa mga ito.

Facebook Comments