JACKSONVILLE, FLORIDA – Dinespatsa ng mag-asawa ang lahat ng kanilang ari-arian para mabuhay ng walang utang at manirahan sa bus kasama ang anak at alagang aso.
Dahil parehong hilig ang pagta-travel, binenta ng mag-asawang Kristin at Will Watson ang kanilang lumang truck para mabili ang isang ex-military bus sa halagang $8,000 o P404,864 para gawing tirahan.
“We have always enjoyed travel. Kristin spent her college years backpacking around different countries, and I was in the Boy Scouts. We both also travelled a lot for work,” ani Will.
Matapos makuha ang bus, ine-renovate ito ng dalawa noong Setyembre at mula sa napagbentahang truck ay nakapagbayad rin sila ng nasa $24,000 o P1,211,702 halaga ng kautangan.
Nakalipat sila sa kanilang bagong bahay noong manganak si Kristin sa anak na si Roam na itinuturing raw nilang ‘miracle baby’.
Ayon kay Will, masaya sila sa desisyon dahil wala umanong pipigil at magdidikta sa kanila kung ano ang gusto nilang gawin o saan nila gustong pumunta.
Dagdag pa niya, “Being debt free feels amazing. When we check our bank balance now, we feel a sense of peace and security. We have even been able to save money since moving into our tiny home and we are in the best place we have ever been in our entire lives.”
Samantala, umabot naman sa mahigit 16,000 milya na ang layo nang nalakbay ng mag-asawa kasama ang anak at alagang aso na si Rush.
Tumitigil lang raw sila sa pagbyahe kapag pakakainin at aalagaan ang anak, at kapag matutulog.