Pamamahagi ng Family Food Packs sa mga Apektado ng Pagbaha, Tuloy-tuloy ayon sa DSWD region 2

12

Cauayan City, Isabela-Umaabot sa 36,618 family food packs ang naipamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2 na tinatayang nagkakahalaga ng P17,224,880 para sa mga apektado ng malawakang pagbaha sa buong lambak ng Cagayan.

Ayon kay Disaster Division Information Officer Diana Vanessa Nolasco, tuloy-tuloy na rin ang pamamahagi ng mga tulong sa mga residente ngayong humuhupa na ang tubig baha sa mga apektadong lugar.


Aniya, katuwang sa pamamahagi ng tulong ang mga kapulisan at military ngayong patuloy pa rin ang repacking na kanilang ginagawa.

Nagkaloob na rin aniya ng burial assistance na halagang P10,000 sa mga pamilyang nasawi sa kalamidad.

Namigay din ang ahensya ng mga non-food items tulad ng kumot, family tent, mosquito net at hygiene kits.

Samantala, tinatalakay na rin kung magkano ang maaaring matanggap ng mga nasiraan ng bahay.




Facebook Comments