Mag-asawang NPA, Patay sa Engkwentro ng Kasundaluhan

Cauayan City, Isabela- Patay ang mag-asawang lider ng teroristang Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA) matapos umanong makaengkwentro ang tropa ng 50th Infantry Battalion nitong lunes (March 15,2021) sa kabundukan ng Sitio Babacong, Barangay Gawa-an, Balbalan, Kalinga.

Pagkaraan ang engkwentro ay iniwan umano ang bangkay ni Rudy Daguitan alyas Pinpin, Political Officer/Political Instructor ng Komiteng Larangang Guerilla Baggas ng Ilocos-Cordillera Regional Committee ng teroristang CPP-NPA.

Sa nakuhang impormasyon ng iFM Cauayan, kasama rin ang asawa ni alyas Pinpin na namatay sa engkwentro na kinilalang si Nora Miguel alyas Gemay, Medical Officer ng KLG Baggas.


Sa pag-iikot ng mga tropa ng kasundaluhan, natagpuan nila ang inabandonang bangkay ni Nora Miguel alyas Gemay sa isang kubo sa bahagi ng Sitio Fukong, Brgy Gawa-an sa naturang na bayan.

Dahil dito, minabuting ibaba na lamang ng mga sundalo mula sa kabundukan ang bangkay ni alyas Gemay upang maibigay ito sa kanyang pamilya at magkaroon ng maayos na burol.

Samantala, nagpaabot naman ng pakikiramay si MGen. Laurence E Mina PA, Commander ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa pamilya ng namatay na mag-asawang lider ng teroristang CPP-NPA.

Panawagan ng heneral sa mga natitirang pang miyembro ng NPA na sumuko nalang sa pamahalaan upang hindi matulad sa nangyari sa mag-asawa.

Facebook Comments