Mag-asawang NPA, Sumuko sa Cagayan

21

*Cauayan City, Isabela- *Boluntaryong sumuko sa pamahalaan ang mag-asawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa bayan Allacapan, Cagayan.

Sa ulat ng Cagayan Police Provincial Office (CPPO), sumuko ang mag-asawang kadre na sina “Ka Lando”, 29 taong gulang at “Ka Ela”, 27 na taong gulang sa pinagsanib na pwersa ng Provincial Intelligence Unit (PIU) ng CPPO at 3rd Mobile Force Platoon (3rd MFP) ng 2nd Provincial Mobile Force Company (2nd PMFC).


Ito’y sa pakikipagtulungan ng isang mamamayan mula sa bayan ng Lallo simula nang maiparating ng mag-asawa ang kanilang kagustuhan na umalis na sa kanilang grupo at sumuko na sa gobyerno.

Ang dalawang mag-asawang sumuko ay mapapabilang sa mga mabibigyan ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program (ECLIP) ng pamahalaan.

Facebook Comments