San Mateo, Isabela, Nakapagtala na ng 1st COVID-19 Related Death

46

Cauayan City, Isabela- Kinumpirma ngayong araw, Pebrero 8, 2021 ng LGU San Mateo na nakapagtala ang bayan ng kauna-unahang kaso ng COVID-19 related death.

Siya ay si CV 7793, 57 taong gulang na lalaki na taga Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.


Hindi pa matukoy kung saan na-expose ang nasawi na sumailalim sa swab test noong ika-6 ng Pebrero at lumabas lamang ang resulta na siya ay positibo sa SARS CoV 2 ngayong araw.

Si CV 7793 ay binawian ng buhay kahapon, Pebrero 7, 2021.

Nabatid na mayroong Comorbidities ang pumanaw na pasyente gaya ng Diabetes Mellitus at Hypertension.

Nakaranas rin ang nasabing pasyente ng mga sintomas ng COVID-19 gaya ng ubo, sipon at hirap sa paghinga.



Facebook Comments