Mag-asawang online seller sa Dagupan City, na namimigay ng pagkain sa kanilang nadadaanan, umani ng papuri

Nag-ala Santa Claus ang mag-asawang online seller matapos mamigay ng mga pagkain sa mga kapus-palad kahit hindi pa panahon ng Disyembre.

Ayon kina Daren at Chelsea Cardozo ng Brgy. Bacayao Sur, Dagupan City na ito ay simpleng pagbibigay tulong sa mga nangangailangan at gusto lamang nilang magpasaya ng mga tao.

Ito ay unang beses nilang ginawa at sa katunayan ay matagal na umano nila ito binabalak. Nais nila itong isabay sa gabi habang naghahatid ng mga orders ng kanilang mga costumers at target nila umanong bigyan ang mga bata at mga matatandang nakakalat at natutulog sa lansangan.


Kaya naman noong kaarawan ng kanyang misis noong Oktubre ay naisipan nilang abutan ng pagkain ang kanilang mga nadadaanan sa gilid ng kalsada.

Ayon kay Daren, kahit late na ang selebrasyon ng kaarawan ng kanyang misis, ang importante naman umano ay napasaya nila ang ibang taon.

Samantala, nagbabalak muli silang magbigay sa darating na Disyembre at umaasa sila na sana ay marami pang mabubuting loob ang gumaya ng kanilang ginagawa dahil naniniwala sila na “Sharing is Love”.

*DWON 104.7 iFM Dagupan* 3rd Floor Marigold Building M.H. Del Pilar Street Dagupan City 2400
*Tel.* (075) 632-2255 Fax. (075) 632-3390 *FB.* facebook.com/ifmdagupan <facebook.com/ifmdagupan>

Facebook Comments