Mag-asawang Pinoy, kabilang sa mga nasawi sa sunog sa France

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na kabilang ang isang mag-asawang Pinoy sa mga nasawi sa nangyaring sunog sa isang apartment building sa Paris, France noong Martes.

Ayon sa DFA, humingi ng tulong sa Philippine Embassy ang anak ng mga biktima nang maiulat na nawawala ang kaniyang mga magulang.

Kinilala ang mga ito na sina Francisco at Crisensia Abalos na kapwa tubong Pangasinan.


Nakaligtas naman sa trahediya ang apat pang Pinoy na naninirahan din sa nasabing gusali.

Habang nasa kostudiya ng mga awtoridad ang isang babae na mayroon umanong history ng problema sa pag-iisip na hinihinalang nasa likod ng nangyaring sunog.

Facebook Comments