NCRPO, nilinaw na wala silang direktiba na ipagbawal ang lahat ng uri ng likido sa MRT

Nilinaw ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na wala silang direktiba na ipagbawal ang lahat ng uri ng likido sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ipinaliwanag ni NCRPO Chief Director Guillermo Eleazar, rekomendasyon lang ang kanilang iminungkahi bilang bahagi ng mas pinaigting na seguridad matapos ang serye ng pambobomba na naganap sa ilang lugar sa Mindanao.

Sabi ni Eleazar, dapat maglabas muna ng malinaw na panuntunan ang MRT bago ipatupad ito.


Samantala, sa isang pahayag sinabi ng pamunuan ng MRT na bumubuo pa sila ng implementing rules and guidelines hinggil rito.

Facebook Comments