Mag-asawang Robes ng SJDM, nagsusumikap para suportahan ang National Advocacy Campaign ng DILG

“Love local — but think national and global, too.”

Iyan ang guiding principle ng mag-asawang  Arturo “Arthur” Robes, Alkalde  ng San Jose Del Monte, Bulacan at kabiyak na si SJDM Rep. Florida “Rida” Robes na hangad ay mas maging mahusay ang umaarangkada at patuloy sa pag-unlad ng kanilang lungsod.

Nangunguna sa tuwina ang magkabiyak na Robes sa pagpapahiwatig ng kanilang suporta sa mga reporma na ipinatutupad ng Department of the Interior and Local Government (DILG). Nais nila na manguna palagi ang lokal na pamahalaan ng SJDM  sa mga pagbabago tungo sa kapaki-pakinabang na mga pagbabago.


“We share DILG Secretary Eduardo Año’s vision of LGUs as the government’s bridge to the people. Our duty as Filipinos — to uphold the law and to contribute to the country — begin with our interaction with local government units,”  saad ni Mayor Robes. “This is why it’s really necessary for us to touch base with each and every barangay so that we can personally inform our constituents about how we are cooperating with the national government.”

Sinisiguro ng mga Robeses ensure na mananatili silang kaagapay ng mga residente ng SJDM sa pamamagitan ng quarterly town hall meetings.  May regular na “Ugnayan sa Barangay” Town Hall Meeting na ginaganap sa  mga Baranggays ng SJDM.

Ang huling town hall meeting para ngayong taon ay may temang “Ikaw at Ako sa Paskong Darating”  at isa sa mga highlights nito ay ang diskurso hinggil sa  “Disiplina Muna National Advocacy Campaign” ng DILG. Ang naturang kampanya ay opisyal na inilunsad sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2019-181 noong nakaraang October 24.  Partikular na nakatuon ang kampanya sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa mga komunidad.

Samantala, sa ginanap na “Ugnayan sa Barangay” Town Hall Meeting sa held Barangay Muzon, pinarangalan ni DILG SJDM City Director  Jayson S. Jumaquio ang mga Robeses sa pagpapanatili ng pagbabago na nakapaloob sa “Disiplina Muna National Advocacy Campaign.” Aniya, “Inunahan na nila tayo.”

Dumalo si Jumaquio sa naturang aktibidad para himukin ang publiko na maging proactive sa pagsasaayos sa kani-kanilang mga bakuran.  Ito ay sa harap ng katotohanan na ang national campaign ng DILG ay nakaatang sa paniniwala na ang bawat mamamayan ay may responsibilidad na sundin ang saligang-batas.  Aniya, kapag ito ay naisakatuparan wala nang magiging hadlang para sumunod ang bawat mamayan sa komunidad tungo sa progreso.

Kabilang sa mga kapansin-pansin na mga pagbabago sa SJDM ay ang matagumpay na implementasyon nila sa road clearing, disaster preparedeness, at pagpapabilis sa pagproseso ng mga negosyo na nag-ambag sa pagtaas ng kita sa buwis ng siyudad. Ayon kay Congresswoman Robes “The facts show that we have accomplished a lot. However, we don’t want to take anything for granted. That’s why we remind everyone that we do should not just stop with discussions at the town hall meeting. We need to move and get results. It’s great to see your community prosper and it’s equally fulfilling to know that you have contributed to the national government’s success.”  Pagtatapos ng Kongreissta.

 

Facebook Comments