Saturday, January 24, 2026

Mag-asawang senior citizen, kumpirmadong nasawi sa sunog sa Brgy. Tejeros, Makati City ayon kay Mayor Nancy Binay

Dalawa ang kumpirmadong nasawi sa sunog na sumiklab sa Batute Street, Barangay Tejeros, Makati City bago mag-alas-2:00 ng madaling araw.

Ito ang kinumpirma ni Makati Mayor Nancy Binay matapos siyang magtungo sa lugar ng insidente.

Ayon kay Binay, mag-asawang senior citizen ang mga nasawi na kapwa residente ng nasabing barangay.

Nauna nang nakapanayam ng DZXL RMN Manila ang isa sa umano’y kamag-anak ng mga biktima na si Haydee Quitoriano, na nagsabing nawawala pa noon ang kanyang ina at ama na kapwa 70 taong gulang—na kalauna’y kinumpirmang nasawi sa sunog.

Samantala, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng sunog at ang kabuuang halaga ng pinsala.

Facebook Comments