MAG-ENJOY | Idineklarang ceasefire, para sa mga sundalo at pulis – PNP Chief

Manila, Philippines – Nilinaw ni PNP Chief Ronald dela Rosa na hindi para sa New People’s Army at iba pang teroristang Grupo ang idineklarang ceasefire ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni General Bato, para sa mga sundalo at pulis ang deklarasyon ng pangulo.

Hangad aniya ng Pangulo na mag-enjoy ang mga sundalo at pulis kasama ang kanilang mga pamilya ngayong panahon ng pasko nang wala sa bundok.


Pero hindi aniya ibig sabihin nito na iiwan ng mga sundalo at pulis ang bundok ngayong panahon ng pasko at pagsalubong ng bagong taon.

Mananatili aniya ang alerto ng mga sundalo at pulis pero walang combat operations.

Ang ceasefire ay ipapatupad ng pamahalaan mula December 24, 2017 hanggang January 2, 2018.

Facebook Comments