Mag-iinang tulak ng droga sa Makati City, arestado sa buy-bust operation

Timbog ang mag-iinang tulak umano ng ilegal na droga sa Lungsod ng Makati matapos ikasa ang buy-bust operation laban sa kanila.

Nakilala ang mga suspek na sina Miraflor Espayos Dela Dingco, 63-anyos, Joy del Dingco Espayos, 38-anyos, at Kristel del Dingco Espayos, 18-anyos, at parehong mga residente nga Brgy. Cembo.

Nasamsam ng mga otoridad mula sa mga suspek ang 30 grams na hinihinalang shabu at may katumabas na halaga na P204,000.


Nakuha rin ng mga otoridad ang P3,000 na ginamit bilang buy-bust money, apat na unit ng cellphone, at isang sasakayan.

Ginawa ang nasabing operasyon sa kahabaan ng Acacia street, Brgy Cembo, Makati City pasado alas-5:00 kahapon ng hapon.

Nakakulong na ang mga suspek sa Makati City Police Station Custodial Facility at nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments