ECQ Violators sa Tumauini, Isabela, Umabot na sa Halos 500!

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 500 indibidwal ang nahuli ng PNP Tumauini, Isabela na mga lumabag mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PMaj. Rolando Gatan, hepe ng pulisya, karamihan sa mga pasaway na nahuhuli ay mga walang quarantine pass, mga lumabag sa Social Distancing at sa liqour ban.

Giit ni Maj. Gatan, resulta ito ng kanilang mahigpit na pagpapatupad sa ECQ.


Katwiran naman ng mga nadakip sa pagtatagay na panlaban umano sa COVID-19 ang pag-inom ng alak.

Kaugnay nito, patuloy pa rin ang striktong implimentasyon ng pulisya sa ECQ bilang tugon sa kinakaharap na pandemya sa bansa.

Facebook Comments