Dinakip ng pulisya sa Japan ang isang mag-nanay kaugnay umano ng pagkakaroon ng 3,200 no-show hotel cancellations habang nangongolekta ng reward points.
Kinumpirma ng Kyoto police sa AFP na nasa kostudiya nila ang 51-anyos nanay at kanyang 31-anyos anak na nasa likod ng mga pekeng reservation sa tatlong hotel noong Nobyembre, na tinatayang 95,000 yen (higit P43,000) halaga ng pinsala.
Bukod dito, naiulat din ng local media na mayroon pang 3,250 hotel cancellation ang dalawa sa iba’t-ibang bahagi ng Japan sa loob ng isang taon gamit ang online booking service.
Umabot naman sa sumatotal na 115 million yen (higit P50 milyon) ang pinsala sa lahat ng mga hotel na nabiktima.
Nakaipon ang mag-ina ng digital loyalty points na nagkakahalagang 2.5 million yen (higit P1 milyon) sa mga pekeng reservation, ayon sa national broadcaster na NHK.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa gawaing ito.