Mag-ina, arestado dahil sa palihim na pagbebenta ng ilang bahagi ng katawan ng bangkay

COLORADO, USA – Hinuli ang mag-inang nagpapatakbo ng isang funeral home matapos magbenta ng ilang parte ng katawan maging ang buong katawan ng mga namatay kahit walang pahintulot mula sa mga naiwang kaanak.

Hinablaan ang mag-inang Shirley Koch, 66 at Megan Hess, 43 ng ‘six counts of mail fraud’ at ‘three counts of ilegal transportation of hazardous materials’ sa Sunset Mesa Funeral Home sa Montrose, USA.

Ayon sa Attorney’s Office for the District of Colorado, una nang bumuo ng donor service organization ang dalawa taong 2009, pag-iimbalsamo ng mga katawan kasabay nang pagbibigay ng donor services bilang negosyo.


Naiulat din na makailang beses isinawalang-bahala ng mag-ina ang kahilingan ng mga namatayan na makuha ang katawan ng kanilang kaanak.

Sa ibang pagkakataon, may mga pamilya umanong pumapayag na ihandog ng funeraria ang mga piling parte ng katawan ngunit ibinibenta rin daw ng mag-ina ang natitirang bahagi ng bangkay.

Naireport din na ibinibigay lang dalawa ang mga katawan na nasawi dahil sa sakit gaya ng HIV, hepatitis B, hepatitis C.

Nagpapadala rin daw ang mga ito ng pekeng cremains sa mga pamilyang ipinaki-cremate ang katawan ng kanilang kaanak.

Kaugnay nito, malaki umano ang sinisingil ng mag-ina sa cremation na ayon sa mga imbestigador ay wala namang katotohanan.

Kung mapapatunayan ay haharap sa 135 taong pagkakakulong ang mag-ina ayon sa piskal.

Facebook Comments