Mga lagusan sa 2 Barangay sa San Juan City na may pinakamataas na kaso ng COVID-19, mahigpit na binabantayan ng mga pulis

23

Mahigpit ang gingawang pag-iinspeksyon ng mga tauhan ng San Juan Police Station dahil tanging ang mga residente lamang ng Barangay at mga indibidwal na may mahahalagang transactions lang ang pinapayagang makapasok sa Brgy. Greenhills at Brgy. West Crame sa lungsod ng San Juan.

Nagpatupad ng matinding paghihigpit dahil ang 2 Barangay na ito ang mga Barangay na may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa lungsod.


Napag-alaman na sa 45 kaso ng COVID-19 sa San Juan, 15 dito ang mula sa Barangay Greenhills, habang 12 naman ang kaso ng COVID-19 sa Barangay. West Crame.

Ang mga entry at exit points sa parehong Barangay ay may mga harang at bantay sarado ng mga pulis.

Paraan kasi umano ito para malimitahan ang galaw ng mga tao at mapigilan ang pagkalat ng sakit dahil sa huling tala, 92 na ang Persons Under Investigation (PUI) sa San Juan City habang 162 naman ang Persons Under Monitoring (PUM).

Facebook Comments