Mag-ina, Arestado sa Drug Buybust Operation!

125

*Cauayan City, Isabela- *Sasampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ngayon araw ang mag-ina na muslim matapos mahuli sa isinagawang drug buybust operation ng mga otoridad sa Rizal Avenue, Santiago City.

Kinilala ni P/Maj.Reynaldo Maggay, station commander ng Police Station 1 ng Santiago City Police Office (SCPO) ang mag-ina na sina Alminah Rinarik Lumayon, 48-anyos at anak nitong si Mubarak Sarip Lumayon, 23-anyos, walang asawa, kapwa vendor na pansamantalang naninirahan sa Purok 1, Rosario, Santiago City.


Narekober sa pag-iingat ni Mubarak ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at marked money na isang libong piso (P1,000.00.)

Sa isinagawang body search kay Mubarak ay muling nakarekober ang pulisya ng tatlo pang pakete ng hinihinalang shabu.

Ang mag-ina ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers