Mag-ina, kumpirmadong nasawi sa sunog sa isang residential area sa Parañaque City ngayong umaga

Kumpirmadong nasawi ang mag-ina matapos maipit sa sunog na sumiklab kaninang madaling araw sa residential area sa Kalayaan, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, Kinilala ang mga biktima na sina Salud Belmonte, 69 years old at Bryan Belmonte, 42 years old.

Naisakay naman na sa funeral service ang mga bangkay ng biktima na natagpuan sa sala at banyo ng bahay.


Matatandaang, itinaas sa unang alarma bandang alas-12:46 ng hatinggabi ang sunog at iniakyat sa pangatlong alarma bandang alas-12:54 ng hatinggabi at as of 3:00 ng madaling araw ay tuluyan nang naapula ang apoy.

Tinatayang aabot naman sa 20 bahay o mahigit 40 na pamilya ang apektado ng nangyaring sunog.

Sa ngayon ay on-going pa rin ang imbestigasyon ng BFP kung ano ang dahilan ng sunog at kung magkano ang pinsala sa nasabing insidente.

Facebook Comments