Mag-Ina, Pinagbabaril ng Kabarangay sa Benito Soliven!

Benito Soliven, Isabela – Pinagbabaril ng isang lalaki ang mag-ina, pasado alas syete kagabi, June 4, 2018 sa Zone 2 ng Barangay Gomez, Benito Soliven, Isabela dahil lamang sa naging away sa larong basketball.

Ayon kay Police Senior Inspector Joel Bumanglag, hepe ng Benito Soliven Police Station, ang mga biktima ay kinilalang si Marieta Vizcara, 39 taong gulang at ang anak nito na si Rica Mae Vizcara, 16 anyos, samantalang ang suspek ay si Jordan Santos, nasa tamang edad, walang asawa at pawang mga residente ng nasabing lugar.

Sinabi pa ni Senior Inspector Bumanglag na sa inisyal ng imbestigasyon ng pamunuan nito ay unang nagkaroon umano ng away ang anak na lalaki ni Marieta at ang suspek hanggang sa ipagtanggol naman umano ng ama nito laban kay Santos.


Kinampihan narin umano ni Marieta ang anak na lalaki laban sa suspek at pagkalipas ng ilang oras, habang nasa kusina umano ang dalawang biktima ay pinagbabaril na sila ng suspek gamit ang shot gun.

Sa resulta ng pamamaril ay natamaan ang daliri ni Marieta at sa bahaging likod ng dalagita kung saan ay dinala sa San Mariano Community Hospital para sa karampatang lunas samantalang sumuko naman si Santos sa mga opisyal ng at dinala rin sa himpilan ng pulisya.

Dinagdag pa ni Senior Insperctor Bumanglag na nakainom ang suspek nang maganap ang pamamaril at nakatakda ngayong araw ang inquest sa suspek na maaring makakasuhan ng Frustrated Homicide si Jordan Santos.

Facebook Comments