Mag-ina sa US, pumanaw sa parehong araw dahil sa COVID-19

TEXAS, US – Sabay na sumakabilang buhay ang mga-ina matapos parehong magkaroon ng COVID-19.

Ayon kay Sherry Tutt na nakapanayam ng The Dallas Morning News, nahawa siya at ang kanyang buong pamilya sa virus na ikinamatay ng kanyang kapatid at nanay.

Aniya, ilang linggong nanatili sa magkaibang ospital ang dalawa bago bawian ng buhay noong Hunyo 9.


Hindi raw nila lubos akalain na mabibiktima sila ng virus dahil lahat naman daw ng pag-iingat ay kanilang ginagawa.

Kwento ni Tutt, Mayo 22 raw nang makatanggap siya ng tawag mula sa ina na hirap daw huminga noon at nagpapasugod sa ospital.

Ngunit bago pa man ito maidala sa ospital ay nauna nang maisugod ang kanyang kapatid na babae.

Wala raw malay ang kanyang kapatid habang naka-ventilator na nasawi bago mag alas 5:30 a.m sa Dallas Regional Medical Center habang sumunod namang nasawi ang kanyang ina makalipas ang ilang oras.

Samantala, si Tutt ay masuwerte namang nakaligtas at nakarekober mula sa virus matapos ang ilang linggo.

Facebook Comments