Nakatakdang maglunsad ng NOISE BARRAGE sa darating na Miyerkules – APRIL 18, ang mga supporters ni VP Leni Robredo. Ito ay tatawaging # Boto,BilanginAngTotoo, kaugnay ng protestang inilunsad ng natalong kandidato sa pagka-bise president na si dating senador Bongbong Marcos.
Ang nasabing aktibidad ng mga tagasunod ni Robredo ay pagpapakita ng tunay na suporta sa tunay na suporte kay VP Leni lalo na ngayong pinasisimulan na ang mano-manong pagbilang ng mga balota kasama na ang galing sa Camarines Sur.
Ayon sa mga organizers, dapat na mabantayan ang nasabing hakbang ng grupo ni Marcos dahil sa may ipinalalabas umanong iregularidad tulad ng mga wet ballots, nawawalang audit log at kung ano-ano pang iba na kaagad namang may paliwanag mula sa COMELEC.
Kalat na rin ngayon sa social media ang katulad na suporta para kay Robredo tulad ng #labanleni, #binotokosileni, at #botobilanginangtotoo, kung saan kasama rito ang panawagan na makiisa at suportahan ang noise barrage activity sa Meyerkules na gaganapin sa Naga City Plaza Rizal ganap na alas 5 ng hapon.
Photofrom: int.search.myway.com tags: VP Leni, LabanLeni, BinotoKoSiLeni, BotoBilanginAngTotoo
MAG-INGAY, MAGBANTAY I Noise Barrage Supporting VP Leni on April 18
Facebook Comments