Mag-live in Partner, Binaril ng Amo, 1 Patay!

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang babae habang sugatan ang live-in partner nito matapos na pagbabarilin ng kanilang mismong amo pasado alas 8:00 kagabi sa Brgy. Marcos, Roxas, Isabela.

Kinilala ang nasawing biktima na si Amilyn CastaƱeda, 37 anyos, residente ng Brgy Marcos, Roxas, Isabela na tubong Mallig, Isabela habang ang sugatan na kinakasama nito ay nakilalang si Armando Santos, 43 anyos, magsasaka at residente rin ng Brgy Marcos ng bayan ng Roxas.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Police Chief Master Sergeant Antonio Sabado, assistant investigator ng PNP Roxas, habang naglalakad ang mag-live in partner partikular sa pababang kalsada pauwi sa kanilang bahay ay bigla silang pinagbabaril ng suspek na si George Binuyat na residente ng Brgy. Munoz West, Roxas, Isabela.


Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa likod ang biktima habang natamaan naman sa kaliwang braso si Santos.

Agad na binawian ng buhay si CastaƱeda habang nakatakbo at nakahingi ng saklolo si Santos sa mga brgy. Officials.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang 8 na piraso ng basyo ng Cal 9mm.

Patuloy pa ang isinasagawang hot pursuit operation ng mga otoridad laban kay Binuyat na agad tumakas matapos ang pamamaril.

Facebook Comments