Bangkay ng isang lalaki na hinihinalang nagbigti sa ilalim ng puno sa Dagupan City, natagpuan

Iniimbestigahan na ng otoridad kung may foul play sa pagkamatay ng isang lalaki na natagpuang nakabitin sa ilalim ng puno sa Tambac District Dagupan City.
Kinilala ang nasawi na si Jay R Barozzo , 28 anyos.
Inireport umano ng isang Eduardo Malicdem ang insidente matapos nitong makitang nakabitin ang katawan ng biktima gamit ang nylon sa isang neem tree.
Hindi naman naniniwala ang pamilya ni Barrozo na ito ay nagpakamatay.
Hinihintay na ng PNP Dagupan ang post mortem examination upang malaman ang tunay na dahilan ng pagkamatay nito.
###

Facebook Comments