
Kinordon na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) ang old building at bagong city hall ng Urdaneta City, Pangasinan para tiyaking hindi na makakapasok ang magpinsang sina Mayor Julio Parayno Jr. at Vice Mayor Jimmy Parayno.
Ito ay makaraang ipag- utos ni DILG Secretary Jonvic Remulla kay DILG Region 1 Director Jonathan Leusen ang execution sa utos ng malakanyang na 1 year suspension laban sa kanila kaugnay ng kasong grave misconduct at grave abuse of authority.
Nakasaad sa ipinalabas na kautusan ni Secretary Remulla, na huwag papasukin sa city hall at extension office nito ang mga Parayno.
Una nang nakarating kay Remulla na kahit may suspension order ng Malakanyang ang dalawa ay pumapasok pa rin ang mga ito sa city hall.
Sinisikap naming kunan ng panig ang dalawa pero wala pa silang sagot sa aming mga tawag.