MAG-SUSUBMIT | Sap Bong Go, magsusumite na ng COC sa COMELEC ngayong araw

Manila, Philippines – Magsusumite na ngayong araw ng Certificate of Candidacy si Special Assistant to the President Secretary Bong Go sa Commission on Elections para sa pagka Senador.

Pero bago ito tumungo ng COMELEC at nagdasal muna ito sa Saint Michael and the archangels national shrine dito sa Malacanang upang humingi ng guidance sa panginoon sa tatahakin niyang panibagong bahagi ng kanyang karera.

Ayon kay Go, bago siya pumunta sa COMELEC ay pormal na muna itng magpapaalam kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Isusulong aniya niya ang mga batas na makatutulong sa pagbibigay ng Medical assistance sa mga mahihirap nating kababayan.

Tiniyak din nito ang suporta sa lahat ng mga Legislative agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte basta makatutulong sa sambayanang Pilipino.

Tiniyak din nito na kahit wala na siya sa gabinete ay tutulong parin si Go kay pangulong Duterte sa personal niyang kapasidad.

Hindi naman masabi ni Go kung sasama si Pangulong Duterte sa pagsusumite niya ng COC sa COMELEC.

Facebook Comments