NAKATAKDANG ILABAS | Listahan ng mga Election Hotspot ng PNP, isinasapinal na

Manila, Philippines – Nakatakdang ilabas ng Philippine National Police ang listahan ng mga tinaguriang Election hotspots sa huling araw ng paghahain ng CoC’s o Certificate Candidacy sa October 17.

Ito ang sinabi ni PNP Chief Dir/Gen. Oscar Albayalde kasabay ng mga ginagawa nilang paghahanda para sa Eleksyon 2019.

Pero inisa-isa ni Albayalde ang Limang lugar na aniya ay perennial o laging mataas ang insidente ng karahasan sa bansa tulad ng Abra, Masbate, Lanao, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur.


Pero paglilinaw ni Albayalde na hindi pa ito ang Top 5 na Election Hotspots dahil hanggang sa ngayo’y isinasapinal pa rin nila ang listahan.

Facebook Comments