MAG-UUSAP | Delegasyon ng US at NoKor, magpupulong para sa retrieval ng mga labi ng namatay na sundalo noong Korean war

48

Makikipagpulong muli ang North Korea sa isang delegasyon ng Estados Unidos para talakayin ang repatriation ng mga labi ng mga sundalong namatay noong Korean war.

Ayon kay U.S. State Department Spokesperson Heather Nauert, pumayag si North Korean Vice Chairman Kim Yong Chol na makipag-usap kay U.S. Secretary of State Mike Pompeo.

Sa ngayon, pinaghahandaan na ang nakatakdang pulong.

Facebook Comments