Manila, Philippines – Nakatakdang magpulong sa Miyerkules, Agosto 29 ang consultative committee (con-com) at ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Con-com spokesperson Ding Generoso, pangungunahan ni dating Supreme Court Chief Justice Reynato Puno na chairman ng komite ang piling kasapi ng komisyon na dadalo sa pulong.
Inaasahan na aniya na makaharap nila puno sina Finance Secretary Carlos Dominguez, Budget Secretary Benjamin Diokno, Economic Planning Secretary Ernesto Pernia.
Layon aniya ng pulong na ayusin ang hindi tugmang mga pahayag hinggil sa magiging gastos ng gobyerno at epekto sa ekonomiya ng pagbabago ng sistema ng gobyerno tungong federal form.
Una nang sinabi ng economic managers na maaaring mauwi sa financial nightmare ang federalism dahil malaki ang gagastusin sa pagsasalin sa gobyerno sa pederalismo.