TINAMBANGAN | 2 patay, isa sugatan sa pamamaril sa Pangasinan

Pangasinan – Patay ang isang negosyante at isang propesor matapos pagbabarilin habang pasakay sa sasakyan sa Barangay Tapuac, Dagupan City, Pangasinan.

Kinilala ang mga nasawi na sina Johnny Baniqued, 47-anyos, isang negosyante at propesor sa isang unibersidad sa Dagupan na si Oscar Fernandez.

Habang sugatan naman ang isa nilang kasama na nagpapagaling na sa ospital.


Batay sa kuha ng CCTV, makikita ang mga biktima na pasakay na sa sasakyan galing sa isang restaurant nang paputukan ng hindi pa nakikilalang salarin na armado ng kalibre .45 na baril.

Dahil dito, isang special investigation task group na ang binuo para tutukan ang kaso.

Nabatid na nakaligtas na sa pamamaril si Baniqued noong 2015 kaya aalamin ngayon ng mga otoridad kung may koneksyon ito sa nangyaring krimen.

Facebook Comments