MAG-UUSAP | Pangulong Duterte at Papua New Guinea Prime Minister Peter O’neill, magkakaroon ng bilateral meeting ngayong araw

37

Manila, Philippines – Magsasagawa ng bilateral meeting ngayong araw sa Malacañang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Papua New Guinea Prime Minister Peter O’neill.

Ito ay kasabay ng tatlong araw na official visit ni O’neill para sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, layunin nitong mapalakas ang ugnayan at relasyon ng dalawang bansa.

Pagkatapos ng meeting, nakatakdang pirmahan nina Duterte at O’neill ang mga kasunduang magpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa.

Magkakaroon din ng state banquet para sa Papua New Guinea Prime Minister mamayang gabi.

Bago umalis ng bansa, bibisitahin ni O’neill ang Philippine Rice Research Institute sa Nueva Ecija.

Facebook Comments