Magkaisa para sa Kapayapaan at Kaunlaran ng Cotabato City!- Mayor Cynthia

7

Hinimok ni Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani Sayadi ang lahat ng mga nanalong kandidato sa katatapos na eleksyon sa Barangay at Sangguniang Kabataan na makiisa sa kanilang kampanya lalong lalo na ang pagsugpo sa anu mang uri ng krimen, terorismo at illegal na droga.

Layun nito ay para mapanitiling mapaya at maipagpatuloy ang kaunlarang natatamasa sa buong syudad kasabay ng nag- uumapaw na inisyatiba ng mga security forces na kinabibilangan ng City PNP, Task Force Kutawato, 5th Special Forces at Ronda Team ayon pa kay Mayor Cynthia sa panayam ng DXMY RMN Cotabato.

Binigyang diin rin ni Mayor Cynthia na hindi magtatagumpay ang mga pagsisikap ng LGU kung hindi makikipagtulungan ang mga Barangay Officials lalong lalo na ang mga nasa komunidad.

Umaasa rin ang alkalde na magsisilbing modelo sa kanilang mga kabarangay ang mga naihalal ng mga opisyales.

(Photo credit: File photo from the City Government of Cotabato)

Facebook Comments