MAG-UUSAP | PRRD, hinahanapan na lamang ng schedule para sa pagbisita nito kay U.S. Pres. Donald Trump

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na hinahanapan na lamang ng schedule para mabisita niya si US President Donald Trump.

Sa kaniyang talumpati sa Asia Pacific Health Islands Conference sa Davao City, sinabi ng Pangulo na makailang beses na siyang inimbita ng Amerika pero hindi natutuloy dahil sa problema sa schedule.

Aminado naman si Duterte na hindi madali para sa kanya ang pagpunta sa Amerika dahil aabutin ng 13 hanggang 14 na oras ang biyahe.


Facebook Comments