Manila, Philippines – Bagaman at tapos na ang balangkas ng Proposed Federal Constitution ng Consultative Committee ay pag-uusapan pa rin ngayon ng kumite ang suhestyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na baguhin ang transitory provisions.
Ayon kay Ding Generoso, Senior Technical Staff to the Chairman ng Consultative Committee layon nitong magkaroon ng election ng transition president upang makababa ito sa pwesto matapos maratipikahan ang konstitusyon.
Una nang sinabi ng Pangulo na gusto nyang bumaba sa pwesto bago maisakatuparan ang pagbabago ng konstitusyon upang maialis ang agam-agam na gusto niyang makinabang dito at magkaroon ng term extension.
Nabatid na aprubado na ang kabuuan ng final draft ng bagong constitution ng federal form of government, maliban na lamang sa hiling na amyendahan ang transitory provision na maglagay ng elected president sa panahon ng transition.