Manila, Philippines – Tiwala ang Malacañang na magagampanan pa rin ni dating Customs Commissioner at ngayo’y OCD Deputy Administrator Nicanor Faeldon ang kaniyang tungkulin kahit nakapiit sa Pasay City jail.
Ayon kay Presidential Spokesman Sec. Harry Roque, isang policy-making body ang OCD kaya kahit nasaan man si Faeldon ay magagawa nito ang kanyang tungkulin.
Dahil dito tatanggap pa rin ng sahod si Faeldon na kabilang sa salary grade 29 na aabot sa mahigit 128 thousand pesos.
Facebook Comments