MAGANDANG BALITA | China, nag alok ng mas maraming job opportunities sa mga OFW

Manila, Philippines – Wala ng dapat ikabahala ang Duterte administration sa mga OFWs sakaling magbawas ng trabahador sa gitnang Silangan.

Isa sa inaasahang mapagkasunduan sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping sa bansa ay ang sangkatutak na employment opportunities para sa overseas Filipino workers.

Sa isang Forum sa QC, sinabi ni Budget Secretary Benjamin Diokno na balak ng China na kumuha ng abot sa 10,000 na OFWs.


Magiging Government-to-government at hindi na sa third parties ang arrangement tulad ng recruitment agencies kung kaya mas maraming proteksyon ang mga manggagawang Pinoy.

Ito ay maliban pa sa makakaasa ang mga pinoy ng mas mataas na sahod.

Bukas na tatanggapin ang mga Filipino Workers sa Beijing, Shanghai at Guangdong.

Facebook Comments