MAGANDANG HALIMBAWA | Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson, mabuting ehemplo para sa mga kababaihan – Malacañang

Manila, Philippines – Naniniwala ang Malacañang na mabuting ehemplo para sa mga kababaihan si Presidential Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maituturing na halimbawa si Uson dahil sa kanyang katapangan para magbago at magsumikap.

Umapela si Roque sa mga kritiko ni Uson na itigil ang pagbabatikos at pag-ungkat sa dating buhay ng opisyal.


Kasabay nito, pinuna naman ni Roque ang ilang babaeng kritiko ng administrasyon kabilang sina Vice President Leni Robredo, Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, Ombudsman Conchita Carpio-Morales, Senadora Leila De Lima, dating Social Welfare Secretary Judy Taguiwalo at United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard.

Facebook Comments