Pinuri ng Malacañang ang magandang resulta ng limitadong face-to-face classes sa ilang higher education institutions.
Matatandaang pinayagan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang face-to-face classes sa ilang medical schools.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang University of the Philippines – Philippine General Hospital (UP-PGH) ang unang unibersidad na magsagawa ng physical classes sa harap ng nagpapatuloy na lockdown.
Pero sinabi rin ni Roque na kailangan pa ring bantayan ng pamahalaan ang kabuoang COVID-19 situation ng bansa dahil dito malalaman kung papayagan na ang face-to-face classes sa lahat ng lebel.
Una nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tutol siya sa pagbabalik ng face-to-face classes dahil ayaw niyang ilagay sa alanganin ang kalusugan ng mga estudyante.