MAGANDANG SIMULA | Coach Guiao, humanga sa defensive plays na pinag-aralan ng kaniyang coaching staff

Indonesia – Hinahangaan ni coach Yeng Guiao ang coaching staff ng national team dahil sa inilatag nitong defensive game plan kontra Kazakhstan kaya at nakuha ng Pilipinas ang unang panalo sa Asian Games.

Ayon kay Guiao, isang magandang simula ang nangyari sa national squad dahil nakakuha kaagad sila ng panalo kahit pa naging maikli lamang ang oras ng kanilang naging preparasyon.

Nabatid na nalimitahan lamang nila ang kalaban mula sa fast break hanggang sa three-point shot ng mga ito kung saan nagbunga ang ginawang scouting ng coaching staff sa kalaban.


Matatandaang tinambakan ng Pilipinas ang Kazakhstan sa score na 96-59 na ginanap sa GBK Basketball Hall sa Jakarta, Indonesia.

Facebook Comments