Mangingisda sinuntok ng nakaalitan sa inuman-patay

General Santos City—Binawian ng buhay ang isang mangingisda matapos itong sinuntok ng isang suspek sa harap ng isang KTV bar sa barangay Calumpang nitong lunsod alas 12:30 ng madaling araw.

Kinilala ang biktima na si Galicano Onde, 56, residenti ng Purok Roberto, Barangay Labangal.

Sa initial investigation ng Police Station 5 napag-alaman na uuwi na sana ang biktima sa kanyang bahay matapos itong nakipag-inuman sa kanyang mga barkada.


Pero habang nagbabantay ito ng masasakyan, bigla itong nilapitan ng suspek na si Inrique Anggot, 26 , na residenti ng Purok Kulasi, Barangay labangal, Gensan at sununtok sa kanyang panga na dahilan na itoy matumba.

Matapos suntukin ng suspek, hindi na nakatayo at hindi narin makakilos ang biktima kaya agad itong dinala sa Lobella hospital, pero makalipas ang ilang minuto, binawian ito ng buhay.

Napag-alaman na nagka-alitan ang biktima at ang suspek habang nasaloob ng bar. Agad namang naaresto ang suspek at kasalukuyan na ngayon na nakakulong sa Police Station 5.

Facebook Comments