MAGANDANG UGNAYAN | DFA, umaasang mas magiging mabuti ang samahan ng Pilipinas at Amerika sa pagkakatalaga ni US Secretary Pompeo

38

Manila, Philippines – Nagpaabot na ng pagbati ang Department of Foreign Affairs (DFA) kay Mike Pompeo na itinalaga bilang bagong US Secretary of State. Ayon sa DFA, umaasa ang gobyerno na mas mapagbubuti pa ang relasyon ng Pilipinas at ng Estados Unidos sa pagkakatalaga kay Pompeo. Nagpasalamat naman ang pamahalaan kay Secretary of State Rex Tillerson na naging mahalaga ang papel sa pagpapatibay ng relasyon ng Amerika at Pilipinas nuong ito pa ang Secretary of State. Umaasa naman ang DFA na magtatagumpay si Tillerson sa kanyang future endeavors. Matatandaang Martes nang ianunsyo ni US President Donald Trump na tinanggal na nya sa pwesto si Tillerson.

Facebook Comments